Kahapon magkasama kami ni BF, we attended the mass, and we were inspired by the homily.
Its about love, syempre marami talagang nakakarelate pag love na ang pinag uusapan..nagbigay ng 4 meanings si Father ng love..
LOVE IS SACRIFICE. - tama naman, if you really love someone dapat marunong tayong magsakripisyo para sa minamahal natin..
LOVE IS DECISION - sabi nya love is a matter of choice. Dahil ito ang pinili mo, dapat panindigan mo, dapat ipaglaban mo.
LOVE IS AN ACTION - well actions speak louder than words, kailangan nating patunayan sa mahal natin na mahalaga sila sa atin. dapat ipadama natin yung love and care natin sa kanila sa pamamagitan ng gawa.
LOVE IS A COMMITMENT - pagnagmahal ka dapat alam nyo yung responsibilidad nyo sa isat isa. Dapat hindi tayo basta basta susuko..
Madaling sabihin na mahal kita, pero alam nga ba natin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal?
Sabi ni Father malalaman daw natin ang status ng magpartner sa pamamagitan ng paglalakad.
Kung nauuna daw lumakad ang babae at nasa likod ang lalake ang ibig sabihin daw nun, nanliligaw pa lang yung lalake.
Kung magkasabay daw ibig sabihin sinagot na.
Pero pag mag asawa na, nauuna ng lumakad ang lalaki at nasa likod ang babae.
Bakit nga kaya ganun noh, pag mag asawa minsan nawawala na yung sweetness sa isat isa.
Lalo na kung yung babae eh lumapad or tumaba ng husto, tinatabangan na ang lalake.
Di ba nung kinasal kayo nangako kayo na mamahalin nyo ang isat isa hanggang sa pagtanda...
No comments:
Post a Comment