Saturday, January 24, 2009

in a relationship...

di ba dapat mutual?
di ba dapat may intindihan?
di ba dapat naiintidihan at tanggap nyo ang kamalian ng isat isa?
di ba dapat pag may problema o may nagawa ang isa na mali, dapat pinag uusapan un, hindi ginagantihan?

nagtataka lang ako, some of my friends relationships, married and ung simpleng bf/gf relationship lang nagiging reason ng breaking up eh dahil sa misunderstanding.
hindi raw maintindihan ni ganito sa ganyan.

kesyo ganito kasi ung ginawa ni ganun..kesyo hindi raw nagtetex si ganito kaya siya hindi na rin magtetext.

hindi na nagpaparamdam si bf kaya si gf titiisin na hindi na rin magpaparamdam.

masama loob ni gf kaya si bf sasama na rin ang loob.

ganun ba ang dapat sa isang relasyon?

pag tinanung mo naman sila kung bakit ayaw makipagcompromise, ang isasagot sayo, "eh siya naman kasi ang nauna" kumusta naman un di ba?! as in halleeeeeeer!

bakit kaya hindi na lang nila pag usapan ng maayos, bakit hindi nila pag usapan ang problema?

karamihan ng barkada ko ganyan, ung mga lalaki pasaway sila ung laging iniintindi (though di naman lahat) parang ang gusto nila sila ng sila ung inintidi...

minsan nakakatawa kasi parang ang simple simple lang naman ng di nila pinagkakaunawaan, pero come to think of it sa mga petty quarrels at misunderstanding na ito nagsstart ang break up. sa mga simpleng problema na toh nagsstart ang isang malaking problema. dahil unti-unti at nagpatuloy na nagpatuloy ang mga ganung misunderstanding ang tendency may magsasawang isa.

in a relationship, i believe hindi pwedeng isa lang ang kailangang umintinding umintindi at magbigay ng magbigay. mahirap sa isang relasyon kung ang gagawin mo ay umintindi na lang ng umintindi, at magisip ng mag isip na kaya ginagawa ng partner mo yun eh dahil ganito, ganyan...


nakakasawa!

No comments: