Friday, May 8, 2009

on wedding churvah!

repost from my multiply account ( april 25, 2009)

Everytime na makakarinig ako ng mga kakilala or kaibigan na ikakasal, I cant help but feel envious, sometimes. Siguro kasi that’s one of my ultimate dream, o lahat naman halos siguro ng babae eh un ang pangarap, hindi man engrande or bonggang bonggang wedding eh ung tipong almost perfect sayo…

When I was a kid, lagi ko ng iniisip that someday ikakasal din ako, tapos alam ko na kung ano ung gusto kong style ng wedding gown heheheh. Alam ko na kung anong motif ang gusto ko. Kung anung style ng invitation, kung ano ung souvenir ko hahahaha

Simula nung nagkaroon ako ng bf, which is when I was in 2 year high school, tapos nagsunod sunod na, lagi sinasabi ng relatives ko even my father, na siguro raw mag aasawa ako agad. Meron pa kong relatives na nagsabi na, baka nga raw di na ko makagraduate ng highschool mag aasawa na ko, kasi nga they see me as malandi. Yeah siguro halos lahat ng taong nakakakilala sakin nun un gang iniisip. Pero ako deadma, so what, alam ko kung ano ko, at kung ano ung totoo.

Laging sinasabi sakin na mama ko na gayahin ko siya na 26 na nag asawa, sabi ko siguro mga 24 pwede na kong mag asawa, pero di natuloy hahah..

Pero taena, im 27 already, turning 28 this December, and no plans for wedding yet hahaha, Ironic isn’t it?! 4 times nang may nagpropose ng wedding sakin since I was 18 hehehe pero potek gang ngayun im still single hehehe

Naalala ko nung nag get together kami ng mga classmate ko nung elementary, and one of the guy who used to court me back then, eh nagsabi na di raw nya inisip na single pa rin ako gang ngayun, and even ung mga relatives ko na nagsabi na maaga kong mag aasawa, eh naiinip na ngayon, nung umuwi nga ako nung holy week sabi ng lola ko..

”anak, ikaw ba eh wala pang balak mag asawa, ako eh kinakabahan sayo, kasi mahirap ung maging matandang dalaga” hahahahh

sabi ko “inang relax lang kayo jan, darating din tayo jan” well gasgas na sakin ung linya na yan, heheheh everytime na may nagtatanung sakin kung bakit di pa ko nag aasawa ganyan ang sinasagot ko..

Would you believe, na meron na kong entourage hahaha, Blank na lang ang name ng groom lol, pathetic isn’t it? ;D eh bakit ba feel ko lang hahahha

yes, I must admit medyo naiinip na ko, pero I have to wait if I really want HIM.

Sabi ko nga naubos na yata ang appeal, kaya gang ngayun single pa rin ako lol.

So bakit nga ba single pa ko gang ngayun?! Kasi nga ayaw pa nya bwahahahahah

But seriously speaking siguro nga di pa talaga time …. ;D

No comments: