Friday, May 8, 2009

being in a long distance relationship

repost from my multiply account (april 21, 2009)

For someone who's not used to LDR, mahirap, sobrang hirap kung pano ihandle ang LDR. Especially kung dumarating ung weekends, nasanay ako na magkasama kami ng bf ko. Pero ngayon i have to wait pa for 2 years para lang magkasama kami.

Pero masarap din dahil walang bumabawal sayo *toinks* jokeness lang

Ive learned, being into this kind of relationship. I learned how to be contented and creative. I learned how to be PATIENT, and still learning... Kung gano kahaba ang distansya nyo dapat ganun din kahaba ang pasensiya nyo.

For the first year na nasa LDR kami, ang daming pagsubok ang dumating. Dumating kami sa point na gusto na naming bumitaw, lalo na ko. Ang hirap pag sobrang namimiss nyo na ung isat isa, but you cant do anything but chat, text lang. Hindi madali ang pinagdaanan namin, lalo na umpisa, at hanggang ngayon, hindi pa rin madali but we are trying to work things out.

COMMUNICATION is important in a LDR, you have to keep your communication always OPEN. You have to update each other, kung ano na ang nangyayari sa buhay buhay niyo, kahit sa pang araw araw nyo lang. I must admit before, well hanggang ngayun medyo may problema pa rin kami sa communication. (medyo lang naman) atlis natututo na si Roan, lagi ko kasing sinasabi sa kanya na sabihin niya sakin kung san siya pupunta. Nung una, dito ko muntik muntikanan na talagang bumigay. Minsan kasi mawawala siya ng 3 days, and i didnt hear anything about him as in, no emails, no texts. Ngayun marunong na siyang magsabi hehehe..

HONESTY is important too.. Kahit malayo kaya dapat honest kayo sa isat isa. Hindi pwedeng maging hadlang and distance para maglihim or magtago kayo sa isat isa.

Like what ive said PATIENCE is really important. wait kung kailan kayo hehehe...kailangan ng ibayong pasensiya at pang unawa pag nasa LDR ka, kailangan mong maging open minded. Hindi pupwedeng sarili mo lang ang pakikinggan mo.

Put GOD in the center of your relationship, ask for his GUidance.

Lagi kong sinasabi kay roan, na we have to BE SENSITIVE sa mga binibitawan nating salita, or kahit texts man lang. Kasi mahirap sa text or email di mo alam kung joke lang ba yun, since hindi mo naman nakikita ung facial expression ng isat isa.

Alam kong marami satin dito ang nasa LDR, at talagang hindi ganun kadali. but as long both of you wants to make that relationship works then nothing is impossible.

so goodluck satin ng bonggang bongga

No comments: