Tuesday, December 23, 2008

Merry Christmas sa Lahat

parang sa panahon ngayun, mga bata na lang ang talagang nakakaappreciate ng christmas. yung mga may edad na iniisip ang christmas as gastos..
i remember when i was still young, excited kaming magkakapatid pag magpapasko na. natatandaan ko pa november pa lang nanghihingi na kami ng pambili ng pamasko sa papa ko.
madalas icelebrate namin ang christmas sa nueva (sa manila pa kami nakatira before) since every christmas ang reunion namin sa father side. so dun palang hataw na talaga kami sa mga narereceive na aguinaldo, gifts or cash. tapos my father would play a santa, kaya before christmas talaga busy kami sa pamimili at pagbabalot ng gifts.
excited mag simbang gabi at mangarolling...
naalala ko pa noon, dun sa compound namin sa valenzuela, every year nagpapractice pa kami para sa pangangarolling, tapos ung maiipon namin sa pangangarolingan gagamitin namin sa outing...sarap ng buhay nun... everybody is free spirit..walang pakialam basta masaya lahat kasi magpapasko....
but as the years goes by, ang daming nagbago, pahirap ng pahirap ang buhay...
i had my first godchild whden i was in grade 5, noon excited pa talaga na bilhan siya ng gifts every christmas talagang pinipilit ko ung papa ko na bigyan talaga ko ng pera para pambigay dun...
pero nung nagwowork na ko, at dumagdag na ng dumagdag ang inaanak ko, bigla kong naramdaman ang hirap hehehehe.... every year yata 2 or 3 ang dumagdagdag sa inaanak ko hahaha...
ngayun tuwing november plang iniisip ko na kung anong regalo ang bibilhin ko, kung paano ko babudgetin ang 13month ko para sa mga inaanak ko hehehe, then i have a sister, na kailangan ko pa ring budgetan ng pamasko...
kung noon, ako ang binibigyan ng gift ng mga ninong at ninang ko, since nagkatrabaho ko, ako na ang nagbibigay ng gift, and it really feels good, na makitang ang mga godparents ko na masaya kasi nalaman nila na naalala ko sila...
sabi nga christmas is giving, and its ok to give than to receive, but i must admit i miss receiving gifts, and i miss unwrapping gifts. yun lang...

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!
MAY ALL OUR WISHES BE GRANTED....

No comments: